Notice: fwrite(): Write of 9710 bytes failed with errno=122 Disk quota exceeded in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 42
Discovering My Wife's Affair – Diary Ni Gracia

My Wife's Affair

kailangan ko l" />

My Wife’s Affair

My Wife’s Affair

kailangan ko lang ng inyong opinion and point of view para makapgpasya ako ng maayos…

I’ve been working here in Dubai for almost 6 years, every year umuuwi ako. Nasa pilipinas ang magiina ko 2 boys (eldest is 9 years old and my youngest is 3) my wife and I have been together for 13 years (4 years GF 9 years wife). Ok naman ang naging buhay namin for the past 6 years na nagaabroad ako naibili ko sila ng bahay sa manila na hangang ngayon hinuhulugan ko pa, maayos naman ang buhay nila minsan nga lang my time na kinakapos pero naoovercome naman. nakikita ko din sila for 1 month every year at msaya naman kami until recently may nabasa akong draft mail sa account ng wife ko. to summarized the mail, sinasabi nya na nagpapasalamat sya sa kanya sa simpleng kasyahang naidulot nya, sa panahon at higit sa lahat sa pagmamahal at sinabi pa nya na “mahal na mahal na mahal kita…” inamin nya na sya nga ang gumawa nung sulat pero hinde daw nya naipadala yun at wala daw sa pilipinas yung lalake kasi counterpart nila sa japan (so japanese) at sa chat and email lang daw yun hangang doon lang di sila nagkikita dala lang daw ng pagkakataon kaya nya nagawa dahil cia lang daw ang nakakausap nya sa mga problema nya. ang sabi nya sakin, tapos na daw yun dahil nagresign na yung lalake sa company at humihingi sya ng tawad sanagawa nya. 5 buwan silang ganun… september nya ginawa ang sulat.

simula nung malaman ko ang nangyari nung isang lingo, di na ako nakipag-usap sa kanya, pati ang mga anak ko di ko makausap kasi sya lang ang marunong mag skype at my mobile wala rin kasi kaming landline. ang nakakaalam lang sa nangyari yung nanay ko na nasa saudi pero hinde pa alam ng asawa ko na alam ng nanay ko, ok sila ng nanay ko bago pa nangyari to sa ngaun di ko na alam. nakiusap sya na patawarin ko sya sa nagawa nya at humingi sa ng sorry. sa ngaun di pa ako nagdedesisyon dahil magulo pa ang isip ko at di ko mapagkatiwalaan ang nararamdaman ko. sinabi ko sa kanya na pabayaan nya na muna ako, saka na lang kami magusap paguwi ko ngayong december.

Sender:   Fatheroftwo 
=================================
Mr. Joshua say: 

That is the best option you have now i.e. give yourself enough time to think… mahirap ‘yung situasyon mo dahil sa babae ‘mismo ‘yung gumawa… hindi sa kung anu pa man, pero sabi nga nila, mas “strong” daw ang mga babae pagdating sa “tukso”… and definitely, kapag ang isang “strong” ay nahulog sa “tukso”, mas may malalim na dahilan ‘yon… hindi katulad ng mga kalalakihan na, sabi nga ng ilan, ay pupuwedeng ihiwalay ang “libog” sa “love”… but with women, it’ll be a different thing…

I guess, the most important thing to know is bakit ba nagawa n’ya ‘yon?… until na malaman mo ‘yung totoong reason, doon ka lang magkakaroon ng katahimikan ng loob… others will say, kung mahal mo eh di patawarin mo… and I do agree on that… BUT, (sa aking pananaw) kung hindi ka naman talaga mahal, better to let her go… kahit sabihin pa natin na mahal na mahal mo s’ya… dahil siguradong ang isang pusong hindi lubusang nagmamahal sa ‘yo ay siguradong makakakita ng ibang tunay na mamahalin…

Hindi mo muna sana sinabi sa nanay mo… not for anything else, pero baka may sapat na dahilan naman si misis… “sapat na dahilan” means that given the same scenarios, many women will fall with that too… at ‘yun ang dapat mong malaman i.e. bakit n’ya nagawa?… ang mga magulang kasi, lalo na ang nanay ay may tendency na maging “one-sided” view lalo na kung unica o unico ‘yung naaagrabiyado… it’s like, “you mess with her son (or daughter), you mess with her too“… but anyway, since na nasabi mo na naman, just tell her na lang, you will still try to discuss about it… just make your mother realize na, you probably got a wrong idea and that you want it to clarify para in case na magkaayos ulit kayong mag-asawa ay huwag namang tuluyang mawala ‘yung respeto at dati nilang samahan bilang magbiyenan…

So, going back to your main problem, again, the most important is malaman mo ‘yung totoong reason kung bakit nagawa iyon ni misis… and then you can make a better decision once na alam mo ‘yung totoong dahilan… try not to be judgmental when you do that, para mas maging malinaw sa ‘yo ang lahat…

 Well, to be honest with you bro, kung ‘yung sasabihan lang ng problema ang pag-uusapan, you, as husband, are actually the right person for that… and the distance between you and your wife should never be a big issue nowadays because of the internet thing… kung mayroon s’yang problema na hindi n’ya masabi sa ‘yo, pero nasabi n’ya sa ibang tao, lalo na sa isang lalaki din na mas hindi n’ya kilala kaysa sa ‘yo, there must really be a reason behind it… mayroong ngang mas malalim na dahilan… at ‘yun siguro talaga ang dapat mong alamin… para mabalanse mo ang lahat at makagawa ka ng tamang desisyon…

Let’s try to reverse the situation, may problema din tayo (bilang lalaki) na mahirap din nating masabi sa ating mga mahal sa buhay… una na doon ‘yung kapag nakabuntis ka nang ibang babae… hirap sabihin ‘non kay misis or even GF… but other than that, we can tell everything sa mga mahal natin sa buhay lalo na kung maaapektuhan din sila gaya halimbawa ng natanggal tayo sa trabaho, o nabangga mo ‘yung bago ninyong kotse o kaya ay naipatalo mo sa sugal ‘yung savings ninyo o aksidente mong nasunog ‘yung bahay ninyo… things like that, ay mas mahirap sabihin sa ibang tao kaysa doon sa mga mahal mo sa buhay…

I wish there would be female members here who can share kung ano-ano ba ‘yung mga problema na hindi nila masabi sa kanilang mga mahal sa buhay para magkaroon naman tayo ng idea…

Until then, just try to focus on your job… mas mahirap ang mawalan ng nagmamahal sa ‘yo at mawalan ka pa ng pagkakakitaan… everything shall pass, whether we like it or not… what matter most is, dapat pagkatapos ng unos na dumating sa ating buhay, nakatayo pa din tayo…

Ms. Serene (a.k.a Gracia Amor):

It just shows less completely bringing more upfront solution… It’s okay not to communicate for a while.
It’s okay here to realize sometime… somehow were just human to realize and felt the pain… ika nga “torture” pag-pinagpatuloy pa natin ang communication… the only you need is TIME… a space, to realize everything what is important for you… kung mahal mo pa siya you should go on continue your relationship, if not at nasa puso mo na nasaktan ka talaga then you need to do your next step at iyon ang makipag-hiwalay ka na sa kanya at ayusin ito ng maayos na paghihiwalay.

But things are not that easy to decide…
The better thing you could do now is to ask yourself the following;
1. Can still love her that much? the same love before this thing happens?
2. Can I forget everything after the affair she has done wrong to me?
3. Can I forgive her and start again as husband and wife?

Just ask these all to yourself and ask for guidance in HIM to where this is heading…
and never you will see the sunset without hearing HIS voice and yourself what is the real answer?

And let me share a good love story… of a good friend, and I will tell you even me I can’t believe too this happen… Meron pa talaga dito sa mundong ito mga guys na deserve to love and be loved…

… to make it short long-distance relationship sila… si girl nabuntis ng ibang lalaki (sobrang sakit siyempre kay boyfriend…) at the end of their conversation and LOVE still rules  natanggap pa ni bg si gf nagpakasal sila inako ni boy si baby naging magkaibigan pa si boy at si biological father ng baby ng gf niya.

Ngayon, three na baby nila two iyong inside marriage at isa iyong sa outside.

Here the story shows only ACCEPTANCE and the other word is LOVE.
They are happy now, living in another country together with 3 children.

I just hope here one of these days you may find love and peace.
May God be with you for all these trials.

Hope we lessen your burden…
Thanks.
Report this post

 

MUST-READ AND SHARE!

CORONAVIRUS DIARIES: Week #17 – The Beautiful Relief of Lifting the Lockdown Measures

Five Important Steps in Facing Financial Crisis During the COVID-19 Pandemic

Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – Documenting One’s COVID-19 Struggle

CORONAVIRUS DIARIES: Week #16 – Initiating the Second Phase Plan in Unison With One and All

Five Important Steps to Book an Appointment in the Public Authority for Civil Information (PACI)

 

 

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE. Questions, suggestions, send me at diarynigracia@gmail.com 

You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

Peace and love to you.


Gracia Amor

6 thoughts on “My Wife’s Affair

  1. esther says:

    sa akin lang sana di mo muna sinabi sa nanay mo lalo na vibes naman sila. Sana kapag may matibay ka ng disisyon saka mo binanggit. Saka timbangin mo muna kung bakit nya nagawa yon maaring may hindi rin sya nagustuhan sa yo sa tinagal ng inyong pagsasama. Mapapansin mo naman yan kung may pagbabago sa pagmamahal sa yo. Ikaw naman kung mahal na mahal mo ang asawa mo at di mo sya kayang talikuran bigyan mo pa ng isang pagkakataon pero hindi na todo lalabas rin ang tunay nyong damdamin sa isa't isa. Mahirap kc magmahal o piliting magmahal kung may alinlangan ka na. Kung may mga bagay na hindi naiibigan ng iyong asawa sa iyo maaring hanapin pa rin niya ang lalaking tunay na magpapasaya sa kanya. Yong mga anak mo lang wag mo pababayaan para di masira ang kanilang kinabukasan kung kaya mo naman ibigay ang tama para sa kanila. Medyo me kahirapan ang sitwasyon mo pero alam mo mas mahirap ang sitwasyon ng asawa mo ngayon kc babae sya.

  2. mommy-razz says:

    ang hirap naman ng situation na yan, nangyayari lang yan sa babaeng kulang sa pananalampataya at hnd niya pinangangalagaan ang family niya.. pero may chance pa naman cguro..

  3. hyanne says:

    His situation is medyo complicated but all I can say is move on., patawarin niya ang wife niya and tanungin niya sarili niya if mahal niya pa ba ito, kaya pa ba niyang makasama and etc., so kung ano man ang sagot siya na ang magdedecide non because it's his life tayo eh kung tawagin nga nila eh nakisawsaw lang., it is better to decide for your own., para later on walang blame or regret na sinabi ni ganito..ni ganyan…so his decision to have space is right.,

    And I think all he need is peace of mind kasi for sure ang utak nia nagtatanong kung sa email lang ba talaga., oh baka may mas malalim pa., masakit kasi tanggapin na nagpakahirap ka sa ibang bansa tapos ang isusukli sayo kataksilan., I just hope maging honest silang dalawa sa isa't isa.,

    For the guy, consider yourself lucky na rin atleast asawa mo sa email pa lang and you caught it early kasi sa iba eh talagang physical contact na., you can read a lot of news ng mga ganyang cases na mostly eh nauuwi sa patayan.,

  4. Rowena Wendy Lei says:

    Pag nawala na ang tiwala mahirap na pero baka pwede bigyan ng isa pang pagkakataon alang-alang sa mga bata.

  5. Pinay Mommy Online says:

    I always believe in second chances and miracles do happen. Just pray to God for wisdom and strength to overcome this.

Comments are closed.

Hard to convert Money into different currencies? We got you!
You can convert your Money into different currencies by selecting country below. Enjoy!

Keep in touch and please subscribe!

Free Download Now
DNG Devotional Book - Grateful Heart
Download now

Fatal error: Uncaught wfWAFStorageFileException: Unable to verify temporary file contents for atomic writing. in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php:51 Stack trace: #0 /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php(658): wfWAFStorageFile::atomicFilePutContents() #1 [internal function]: wfWAFStorageFile->saveConfig() #2 {main} thrown in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 51