Ang Pagtupad sa Isang Pangarap…

Ang aking pangarap para sa mga Kabayan.
Ang aking pangarap para sa mga Kabayan.

Lahat tayo ay may pinapangarap sa buhay at sa pagtupad ng mga iyon, kahit anong mga balakid ang dumating, pipilitin nating maabot ang ating minimithi.

Ganyan ang mga pangyayari sa buhay ko. Ilang taon din pinaglaanan ng panahon, oras, paggawa, pagsisikap ang Kabayan Global Magazine bago ito naisakatuparan. Hindi gawang biro ang mga pagsubok na aking naranasan ; kawalan ng suportang moral mula sa ibang mga tao na nag isip na walang patutunguhan ang aking hangarin. Ang aspetong pinansyal ay isang mabigat na pagsubok din ngunit salamat sa mga Kabayan na nagtiwala at nagbigay ng paniniwala na makakaya namin ito.

Kahapon, ika 23 ng Marso, pinangunahan  ng Alkaline Media Marketing and Publishing ang paglunsad sa magasin na ginanap sa Asia – Asia Royal Hall, Al – Watiya Complex, Kuwait City, ganap na alas sais ng gabi.

diary-ni-gracia-kabayan-global-magazine-launching-2

 

Kabayan, sila ang puno at dulo, ang una at huli sa aming kaisipan sa pagtupad na mailabas ang Kabayan Global Magazine. Sana po sama sama tayo sa pagsuporta sa magasin na sariling atin, para sa atin at para na rin sa mga naniniwala sa tulad natin, Kabayan.

 

 

 

MUST-READ AND SHARE!

The Proper Steps in Donating Blood for Kuwait Blood Bank

Your Easy Procedure in Renewing your Residency

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE. Questions, suggestions, send me at diarynigracia@gmail.com 
You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

 

 

Peace and love to you.


Gracia Amor