Talagang hindi biro ang COVID-19 pandemic na ating nararanasan ngayon. Lalo na sa ating mga kapwang Kabayan na nagtatrabaho sa Kuwait, mahirap na problema ang ma-infected ng COVID-19 virus. Isa sa mga na-infected nito ay ang ating kabayan na si Tanmoya.
Habang sumailalim siya ng medical treatment sa mga health facilities dito sa Kuwait, nagkusang loob siya na magbahagi ng kanyang kwento sa kanyang pagpapagaling mula sa kanyang COVID-19 infection. Ayon ni kabayan Tanmoya, nagpopost siya ng mga videos para hikayatin ang tiwala at pananalig ng ibang tao sa ating Panginoong Diyos sa halip na matakot mula sa pandemyang kinakaharap natin.
“To act like soldiers, ready to battle in the frontlines.” Ito ang mga katagang sinabi niya sa unang araw ng kanyang admission sa hospital sa Kuwait. Kahit na sunod-sunod ang kanyang pag-ubo, nagawa pa rin niyang magkuha ng video sa isolation ward sa Adan kung saan siya naka-confine. Para sa kanya, itong documentary videos ay magiging souvenir sa kanyang sariling laban sa COVID-19 infection.
DAY #01
Noong June 23, 2020, nalaman niya na siya ay positive sa COVID-19 disease. Siya ay agad na isinakay sa ambulance. Sa kanyang video, nasabi nya na walang tao ang gusting sumakay sa loob ng ambulance maliban na kung nangangailangan ng medical attention. Sa araw na iyon, siya ay inilipat mula sa Field Hospital patungo sa Isolation Ward 11 ng Adan hospital sa Kuwait. Ang isolation ng isang COVID-19 patient ang pinakaunang hakbang para maka-iwas ng karagdagang coronavirus transmission na kanyang makakasalamuha.
DAY #02
Sa kanyang pangalawang araw, nagsimula ang kanyang active medication. Pinakita niya ang sa kanyang posted video ang mga laman ng pre at post breakfast niya. Ang pagkaing binibigay sa mga COVID-19 patient ay dalawang bote ng tubig, juice, grapes at ang kanyang ulam. Kasama rin niya si Muhammad na isa ring nurse. Nakakumpleto itong PPE tulad ng medical suit, face shield at gloves. Ito ang mga importanteng proteksyon ng isang medical frontliner mula sa COVID-19 patient na inaalagaan niya. Regular din ang monitoring nito sa kanyang temperature, heart rate, oxygen level at blood pressure.
DAY #03
Sa ikatlong araw, isang malapit na kaibigan ang bumisita sa kanya. Isa itong nurse at COVID-19 survivor sa pangalan na Robert. Sa mga panahong ito, malaking halaga ang supporta ng kanyang mga kaibigan at pamilya.
Patuloy din ang kanyang active medication kung saan nilagyan siya ng bagong cannula sa kanyang kanang kamay. Sabi niya, hindi niya nararamdaman ang sakit sa pagbubutas ng mga medical frontliners sa kanyang katawan dahil siya ay nakapokus sa kanyang laban para sa kanyang asawa at mga anak. Nanatili siyang positibo sa kanyang pananaw dahil alam niyang mahal na mahal siya ng Diyos kagaya ng pagmamahal niya sa Kanya. Sa kanyang paniniwala siya kumukuha ng lakas dahil alam niyang handa siyang ipagtanggol ng Poong Maykapal.
DAY #04
Pagdating sa ika-apat na araw, pinatigil na ng kanyang doctor ang pag-inom ng antibiotics. Ito ay dahil na release na ang resulta sa kanyang chest CT scan ng 6:00 pm sa kahapon. Ang status ng kanyang baga ay nagiging mabuti na. Sa paglaganap ng mga coronavirus virus sa kanyang baga, nakahinga na din ang kanyang katawan mula sa mga antibiotic. Gamot para sa lagnat nalang ang kanyang medication
Sa araw na iyon, binisita rin siya ng kanyang kaibigang nurse na si Jhoran bago ito pumunta sa kanyang trabaho. Malaking pasalamat niya din na sa edad na 45, wala siyang problema sa kanyang puso, blood pressure, kidney at atay. Ito ay dahil wala siyang bisyo. Dito natin makikita ang kahalagahan ng sariling disiplina sa pagpapahalaga sa sarili at pag-iwas ng nakakasamang bisyo. Sa pamamagitan nito, siya ay kampante na walang adverse reaction sa kanyang katawan kahit anong dosage ng gamot ang kanyang iinumin.
Hanggang nakatanggap siya ng short notice kung saan siya ay ililipat sa Mishref Field Hospital. Ito ay 10 km mula sa kanyang residence area na Mahboula. Hindi siya nailipat sa Mahboula Field Hospital dahil puno din ito sabi ng nurse. Umalis ang kanyang bus na kanyang sinakyan ng 6:05 pm at dumating sa Mishref Field Hospital ng 6:45 pm. Kasama rin niya ang ibang COVID-19 patients sa bus na ililipat din.
Sa kanyang stay sa isolation ward, regular sila na binibigyan ng pagkain at tubig tatlong beses sa isang araw. Sinisigurado din ng mga medical frontliners na nakakatulog sila ng ensakto para mapalakas ang kanilang immune system. Regular na nag-monitor ang mga assigned nurses sa kanilang oxygen levels, temperature at heartbeat rate.
DAY #07
Sa araw na ito, siya ay naglive stream sa Facebook para maipakita sa ating kapwa mga kababayan ang totoong buhay ng isang COVID-19 patient. Ginagawa niya ang pagdocument sa proseso ng pagpapagamot para magbigay impormasyon at update sa ibang tao. Sa kanyang live stream, nagregular check-up ang isang nurse sa kanyang vital signs lalo na sa temperature. Sa harap ng kanyang lugar ay isa ring kababayan na nagpapagamot mula sa COVID-19 disease. Sa kanyang karanasan bilang isang coronavirus patient, bibigyan ka ng maraming antibiotic medications sa iyong pagpapagamot.
DAY #10
Bilang isang COVID-19 patient, napakaimportante ng psychological at self motivation para sa iyong laban sa coronavirus disease. Sa video niya, nagbigay ng mensahe ang isa sa kanyang mga doctor sa pangalan na Bader. Ang mensahe nito ay para sa kanyang kapwa doctor na dapat manatiling positive at optimistic. Malaking papel ang psychological factor sa pagpapagaing ng isang coronavirus patient.
DAY #11
Pagsapit ng 5:31 am, nagpost siya ng video kung saan kagagaling lang niya ng pag-inom ng mga medications na binibigay ng medical nurses. Kasali na din dito ang vitamin D supplements. Sa video na ito, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng room temperature at medical equipment sa isang COVID-19 patient. Ang temperature sa surroundings ng patient ay hindi dapat masyadong malamig o mainit.
DAY #12
Ito ang araw ng pagkadischarge sa isang COVID-19 survivor na isa rin sa ating mga kababayan dito sa Kuwait. Siya ay si Gabriel Villanueva kung saan magkaharap lang sila ng higaan o cubicle. Naging mabuti na ang kanyang pakiramdam kung saan ipapatuloy ang kanyang home recovery. Malaki ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga dalangin at pagsuporta sa ating mga kapwa kababayan dito sa Kuwait.
DAY #13
Sa ikalabintatlo na araw, itinanggal ng mga medical frontliners ang kanyang cannula sa kanyang kamay. Dito natin makikita ang pagpapabuti ng kalagayan ni Kabayan Tanmoya.
DAY #14
Sa iilang araw ng pakikipaglaban ni Kabayan Tanmoya sa coronavirus disease, nabigyan din siya ng pahintulot sa kanyang doctor para sa kanyang pag-discharge. Ito ay dahil mabuti na ang kanyang kalagayan. Inakaso niya agad ang mga paperwork para sa kanyang medical discharge at ipinasa sa mga awtoridad. Inihatid siya ng mga medical frontliners kasama ang kanyang malaking pasasalamat sa kanilang malaking sakripisyo para magamot ang mga COVID-19 patients.
Ang kanyang pagdokumento sa kanyang pagpapagaling ang magbibigay ng pag-asa sa mga taong kasalukuyang nagpapagaling sa coronavirus infection. Nababawasan rin dito ang pagkakabalisa at pag-alala ng ating mga kapwa kababayan. Ang kanyang pananalig ang magbabahagi ng lakas sa mga taong naimpluwensya niya na magpakatatag sa panahon ng mga pagsubok at huwag mawalan ng pag-asa.
Kabayan Tanmoya (name withheld)
Isang COVID-19 Survivor
P.S. Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa kwento ng kanyang pagpapagaling sa mga quarantine facilities, maari pong bumisita sa kanyang facebook account kung saan nya na upload ang kanyang mga documentary videos. Click here.
Must Share and Read !
TEACHERS -SPECIALISTS ORGANIZATION IN KUWAIT HISTORY
Angels in disguise Series: Ms. Glenn Caduada Untal
Case of Michelle Daguplo
An invitation to share my skills
My duty as a Filipino and an OFW
If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE
Questions, suggestions send me at diarynigracia @ gmail (dot) com
You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM
A multi-award-winning blogger and advocate for OFWs and investment literacy; recipient of the Mass Media Advocacy Award, Philippine Expat Blog Award, and Most Outstanding Balikbayan Award. Her first book, The Global Filipino Bloggers OFW Edition, was launched at the Philippine Embassy in Kuwait. A certified Registered Financial Planner of the Philippines specializing in the Stock Market. A recognized author of the National Book Development Board of the Philippines. Co-founder of Teachers Specialist Organization in Kuwait (TSOK) and Filipino Bloggers in Kuwait (FBK). An international member of writing and poetry. Published more than 10 books. Read more: About DiaryNiGracia
Acknowledgements
DISCLAIMER
Peace and love to you.