Nakasabit Na Pera
“Hindi kami robot!” madalas na hinaing ng mga OFWs ngayon sa pabirong paraan na may halong pag-kainis. Ayon sa nakarami nating kabayan, masyado na silang tinatambakan ng gawain kadalasan pa nga ay hindi na ito kasama pa sa itinakdang kontrata, halos sabay – sabay binibigay ng mga amo o iba’t -ibang amo- amuhan. Ngunit sa kabila ng pag-ngiti nila ukol sa usapin ay nagkukubli ang mga nakakalungkot na mga istorya.
Marami ang kumukundena at sumasalungat sa sistema ng kalakaran bilang isa OFW. Kung susuriin, marami ang naglalabas ng kanilang opinyon sa paksang ito, minsan masaya at kadalasan ay masalimuot. Sa katunayan, isa nga ito sa mga pinag-uusapan at napapanahong isyu sa ‘Social Media’ dahil na rin marami ang nakikisawsaw. Pero bakit nga ba ganoon na lamang ang pagsali ng marami? Bakit kinailangang lumaki pa ng ganito at pag-usapan sa publiko ang mga panig ng mga pangunahing pinagmulan nito?
Ito ay sa kadahilanang lumalala na ang naidudulot nito sa ating mga kababayan na tuluyan na nilang naisasantabi ang kanilang kalagayan sa kalusugan. Pinipili nilang unahin ang aspeto ng pag-kita at tuluyan na ngang napapabayaaan ang sarili. Dahil sa pinapasan na presyon sa trabaho dahil sa mga eskpektasyon, sa pagtrato, kumpetisyon at higit sa lahat pamilya natin.
Naglalabasan na ang mga sakit at ang matindi rito’y ilan sa ating mga kabayan ay umuuwi na wala ng buhay. At sa parehong pagkakataon ay may sakit na maaaring maghatid sa pagpapakamatay. Ang halimbawa nito ay ang stress na maaaring humantong sa depression na may hatid na iba’t -ibang uring sakit. Ang depresyon kawalan ng gana ukol sa mga bagay-bagay, kadalasang tinatamaan ng mga ito ay ang OFW, particular na ang mga dumadanas ng ibayong pag-hihirap ng kalooban. Ang masama rito’y hindi alam ang maaaring eksaktong pinagmulan nito kaya kadalasa’y ‘di ito nalulunasan. At sa kasawiang palad ay maaari itong humantong sa pagpapatiwakal ng biktima lalo’t ‘di na niya nabibigyang halaga ang kahulugan ng buhay. Tuluyan na lamang iikot ang kanyang buhay sa gulong ng lumbay, pag-iisa at pag- dadalamhati. Unti-unti nawawala ng gana sa pag-kain, nawawala na ang atensyon sa pag-iingat ng katawan, kung kaya ang kinakain na lamang ay kung-ano na lang na walang kaugnayan na sa kalusugan, dala na din ng pag-titipid at sobrang pag-iisip paano pa makakapag-tabi ng pera.
Nakilala ko si Elena sa isang pag-titipon, minsan kami ay nakakpag-kape at nakakapag- kwentuhan. Dumating ang araw na siya ay nag-kwento sa akin tungkol sa kanyang kaibigan na nawala sa sarili. Sa pagkakabigkas niya nito, nasabi ko anong ngyari sa kanya, “Nagkaroon ng problema sa pamilya niya sa ‘Pinas at ‘di na alam nito ang gagawin pang sunod na hakbang, dagdag pa ang problema na kinahaharap nito sa trabaho, ‘di nakayanan at bumigay ito at sa ‘di kalayuan ng dagat nakitang naglalakad itong palayo na naka -uniporme… wala na siya sa sariling pag-iisp.”
Para sa akin, mabuti kung magkakaroon pa ng mas malalim at mas malawig na talakayan ukol rito. Upang mas lalo pang mamulat ang mga tao ukol rito at magkaroon ng ideya kung sakali man na sila ay makaranas nito o kung sino man na malapit sa kanila. Dahil marami sa atin ang ‘di ito naiintindihan at ang masama pa ay hinuhusgahan ang mga naghihirap dito lalo’t ibang uri ng sistema ng pagpapalakad ang kanilang nadaratnan. Ang depresyon ay ‘di basta-basta. Hindi ito biro.Hindi lamang ito ngyayari sa isang OFW ngunit sa ibang stado din, sa ibang bansa at walang edad na pinipili at kwalipikasyon sa buhay.
Higit rito’y sana ay magkaroon pa tayo ng koneksyon sa mga tao sa ating paligid. Mag-bigay oras at pagkakataon. Matutunan natin ang magsabi at magbahagi ukol sa mga bagay na bumabagabag sa atin o makinig sa mga nag-daramdam nito. At kung mangyari man na ito ay nakakasalamuha na natin, h’wag nating kakalimutang ibahagi ang pagmamahal ng Diyos upang makinig sa mga nadarama natin. Lalo na sa mga bagay na nagpapabigat ng damdamin. Sa mga oras na nawawalan na tayo ng gana at nais ng wakasan itong kaloob na pag-hinga, lagi siyang nariyan upang magsilbing pag-asa sa iniregalo niyang buhay.
Kapag napagod, magpahinga.
H’wag sumuko, tuloy ang laban!
Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 2018
“Paliparin ang isap, abutin ang langit; bigkasin ang mga salita’t pakawalan asa hangin gaya ng Saranggola”
A multi-award-winning blogger and advocate for OFWs and investment literacy; recipient of the Mass Media Advocacy Award, Philippine Expat Blog Award, and Most Outstanding Balikbayan Award. Her first book, The Global Filipino Bloggers OFW Edition, was launched at the Philippine Embassy in Kuwait. A certified Registered Financial Planner of the Philippines specializing in the Stock Market. A recognized author of the National Book Development Board of the Philippines. Co-founder of Teachers Specialist Organization in Kuwait (TSOK) and Filipino Bloggers in Kuwait (FBK). An international member of writing and poetry. Published more than 10 books. Read more: About DiaryNiGracia
Acknowledgements
DISCLAIMER
Peace and love to you.