Para Mo Nang Awa: Pagsusuri ng aklat ni Beverly Siy

Ang Natatanging Aklat ni Bebang

 

 

Book Review

Para Mo Nang Awa: Pagsusuri ng aklat ni Beverly Siy

 

I. Panimula

Naglalaman ng mga makabuluhang impormasyon ukol sa isang paksa na sa kasalukayang lipunan ay ‘di pinipiling talakayin dahil itinuturing na siyang tunay na sensitibong usapin. Inilahad sa masining at kuwelang pamamaraan ang mga datos at mga anekdota na kinakailangang ipamulat sa atin. Ang ari ng babae at ang kabuuan nito. Ang kasaysayan at ang mga parteng kailangang linawin ukol rito. Narito rin ang usapang pagpapantasya ng mga kababaihan pagdating sa pagtatalik at ang pagpapaligaya sa sarili. Ang mga liblib nang konsepto ay piniling bulatlatin ng buong buo at ihatid sa madla sa anyo ng komiks na isinalin sa tagalog ang mga linya at pagku-kuwento.

 

II. Talambuhay ng Manunulat

Ang May Akda: Liv Stromquist

Si Liv Stromquist ay premyadong manlilikha ng komiks sa Sweden, kung saan isa rin siyang sikat na radio host. Nakamit niya ang kaniyang breakthrough sa mundo ng komiks sa pamamagitan ng Hundred Percent Fat (2005), na nasundan ng Operation (2006), Einstein’s Wife (2008), Prince Charles’ Feelings (2010), at Yes to Life (2011). Aktibo siyang sumasali at nagbibigay boses sa mga isyung politikal, lalo na kung may kinalaman ito sa sa mga kababaihan at asylum policy. Ang mga artikulo niya ay nailathala na sa Interalia, Trade New, Galago, Ordfront Magazine, Aftonbladet at Dagens Nyheter. Noong 2016, naparangalan siya ng honorary doctorate mula sa Malmo University-isa lamang sa maraming pagkilala at gantimpalang nakamit niya sa kaniyang buong career. Nagsisilbi siya ngayon sa Swedish Arts Council

 

Ang Tagasalin: Beverly Siy

Si Beverly Siy ay isang manunulat, tagasalin at copyright advocate. Nagtapos siya ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP Diliman bilang cum laude. Nag-aral din siya ng Panitikang Filipino sa nasabing unibersidad. Aktibo si Bebang sa larangan ng publishing. Isa siya sa mga Book hampion at Intellectual Property Ambassador ng ating bansa noong 2015. Dalawa sa kaniyang mga aklat ay naging finalist sa National Book Awards para sa mga kategoryang Sanaysay at Antolohiya. Ang kanyang It’s A Mens World ay nagkamit ng Filipino Reader’s Choice Award noong 2012 para sa kategoryang Sanaysay. Siya ay nakatira sa Bacoor, Cavite kasama ang kanyang asawa at tatlong anak.

 

III. Uri Ng Panitikan

Komiks

 

IV. Layunin ng May Akda

Iparating sa atin ang realidad na halaw ng puki, bigyang paglilinaw ang mga bagay ukol rito lalo’t piniling isantabi na lamang ito dahil itinuturing ito na bastos. Iniulat ang kahalagahan ng ari ng kababaihan hindi lang bilang bahagi ng katawan ng bagkos ay bilang isang bagay na may malaking gampanin sa kultura. Sa mundo at sa kasaysayan.

V. Tema o Paksa Ng May Akda

Tulad ng nakasaad, itininta at iginuhit dito ang katotohanang taglay ng ari ng kababaihan. Ang mga tao sa kabila ng masigasig na pag-aaral at pag-iimbestiga, ang mga siyentipiko na naglaan ng hindi lang oras bagkus ay taon upang suriin ang ito. Ang mga tanyag na personlidad na lumikha ng ingay kaugnay ng usapin. Ang mga bahagi nito gaya ng tinggil, ang masturbasyon, ang pagreregla, at iba pang lantarang pagpapahayag ng ari ng kababaihan bilang sining at ang pagtatalik at paglikha ng mga kababaihan sa sarili nilang kaligayahan. Ang mga bagay na sumisibolo at sinisimbolo ito at marami pang iba.

 

 

Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 2018

“Paliparin ang isap, abutin ang langit; bigkasin ang mga salita’t pakawalan asa hangin gaya ng Saranggola”

 

 

Peace and love to you.


Gracia Amor
Hard to convert Money into different currencies? We got you!
You can convert your Money into different currencies by selecting country below. Enjoy!

Keep in touch and please subscribe!

Free Download Now
DNG Devotional Book - Grateful Heart
Download now

Warning: Undefined array key "student_url_profile" in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/masterstudy-lms-learning-management-system/_core/lms/helpers.php on line 1344

Warning: Undefined array key "student_url_profile" in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/masterstudy-lms-learning-management-system/_core/lms/helpers.php on line 1349