Notice: fwrite(): Write of 9710 bytes failed with errno=122 Disk quota exceeded in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 42
Magkikita Rin Tayo – Diary Ni Gracia Dito na lamang po kuya.” Medyo malayo pa at sobrang haba ng traffic sa daan papunta sa kinalalagyan ng bahay, kaya naman naisip ko " />

Magkikita Rin Tayo

Dito na lamang po kuya.” Medyo malayo pa at sobrang haba ng traffic sa daan papunta sa kinalalagyan ng bahay, kaya naman naisip ko na maglakad na lamang at bumaba na sa sinasakyan kong taxi.

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng daan, isang nakatigil na ambulansya ang umagaw ng aking atensyon. “Yes po,” bigla kitang naisip. Naalala ko ang mga oras ng ating pagsasama. Ang bilis ng oras, ito na lamang naibulong ko sa sarili ko habang napatingin sa langit at naghahanap ng kasagutan.

Nanay, isa ka sa matimbang na dahilan kung bakit ako nagdesisyon at taos-pusong tinanggap ang maging isang OFW dito sa bansang Kuwait, upang kayo po at ang kabuohan ng ating pamilya ay aking mapasaya at mabigyan ng kaginhawaan. Kasunod nito ay bumalik ulit sa aking isipan ang lungkot at pag-aalala tungkol sa iyong kalagayan sa ngayon.

Nalulungkot ako kapag naririnig ko at nababasa ang masasayang pagbati para sa Mother’s Day dahil malayo ka sa piling ko at di ka mayakap man lang. Ngunit hindi ko kayang itigil ang pag- ikot ng mundo at sabihing huwag munang magdiwang nito. Masakit man para sa atin ngunit kailangang tanggapin ang pagsubok na ito. Naisip ko ito naman talaga ang hinarap naming mga OFWs, minsan may good news at minsan naman ay may bad news galing sa ang minamahal mo sa buhay at kung ano-ano pa na kinakailangan naman naming malaman din agad.

Pasensya na rin po na di kita laging matatawagan at sa mga text messages na lang ako nagbibigay suporta. At kahit paano ay naiibsan ang pangungulila ko sa iyo kapag nababasa ko ang sagot mo sa akin kahit one-liner lang, masaya na po ako.

Sa aking pag-iisa dito sa Kuwait, mas nanaisin kong mapako sa aking alaala ang iyong masayang mukha at malusog na pangangatawan nitong nakaraang December. Gusto kong mamalagi sa aking iisipan ang masayang expression ng iyong mukha ng ika’y aking sinurpresa at ng tayo’y nagkita sa may Megamall. Akala mo kasi isang kaibigan ko lang ang makikipagkita sa iyo dahil ako’y may pinapadala, ngunit ako pala mismo ang dumating! Paano ko malilimutan ang iyong mga pag-aalala sa pamamagitan ng iyong mga text messages  sa akin sa araw-araw, tinatanong kung saan ako, anong oras ako uuwi. Nang umuwi ako sa atin nagkasakit naman ako at inubos ko pa oras sa pagpapahinga kaysa maipasyal ka, para akong batang paslit na sinasamahan nyo po na magpacheck-up sa doktor.

Nanay, hanggang ngayon ay parang isang pagsubok ang pangyayaring ito sa ating pamilya. Ngunit huwag mo kaming intindihin dahil kahit na anong mangyari, pipilitin naming magkakapatid  na magkatulong- tulong upang masuportahan ka namin sa iyong gamutan.  At kung maaari nga lamang na ako’y makalipad pauwi dyan upang maalagaan ka ngayon din ay ginawa ko na po, kaya nga lang ay maraming kaakibat na responsibilidad ang nasa balikat ko po na sa ngayon ay dapat kong harapin, kasama na rin po ang aking mga kapatid.

Nanay, maraming, maraming salamat po sa lahat-lahat. Sa mga pag-aalala, sa mga pag uusisa, sa mga payo at sa mga sermon dahil alam po naming kabutihan lamang naming magkakapatid ang hangad mo simula noong kami ay isilang. Mahal na mahal ka namin Nanay… at tatandaan nyo po, “magkikita rin tayo!

 

Happy Mother's Day Nanay
Happy Mother’s Day Nanay!

 

 

MUST-READ AND SHARE!

Updates from SSS and PhilHealth that you must know

SSS Payment Reference Number

CORONAVIRUS DIARIES Week #42: PCR Tests are now required

SSS’ scheduled contribution rate increase

Peace and love to you.


Gracia Amor

2 thoughts on “Magkikita Rin Tayo

Comments are closed.


Fatal error: Uncaught wfWAFStorageFileException: Unable to verify temporary file contents for atomic writing. in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php:51 Stack trace: #0 /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php(658): wfWAFStorageFile::atomicFilePutContents() #1 [internal function]: wfWAFStorageFile->saveConfig() #2 {main} thrown in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 51