Kilala naman natin siya bilang matapang at mahigpit na Presidente ng ating bansa. Tila ba walang kinakatakutan, sinisino at pinapaborang tao. Naging madugo man ang kaniyang naging pamamalakad sa pagsisimula ng kaniyang termino para sa laban niya sa droga, tila nabawasan din naman talaga mga kalakalan patungkol dito. Lahat naman siguro ng nasa ganitong posisyon ay nais lang mai-ayos ang bawat indibidwal ng bansang kaniyang sinasakupan. Mahirap na trabaho, pero kay Pangulong Duterte, hinarap niya ng buong tapang at puno ng pagka-determinado buhat ng pagkakaluklok nito sa kaniya ng sambayanang Pilipino. Bilang pagtatapos ng kaniyang termino, nakita naman natin bawat taon ng kaniyang pamamalakad ang positibo at negatibong naging kontribusyon nito sa bansa. Nasa sa ating mga Pilipino na lang iyon kung paano natin ito titingnan at makikita. Sa huli, naniniwala naman ako na sa loob ng anim na taon ng kaniyang panunungkulan sa ating bansa, mayroon at mayroon talagang mga bagay na nagkaroon ng ambag dito sa atin sa Pilipinas. Bilang tayo, kaniyang kapuwa mamamayan sa Pilipinas, atin siyang suportahan at pasalamatan sa kaniyang naging tungkulin at naging ambag bilang isang Pangulo ng ating bansang Pilipinas.
Related products
Books
₱499.00
₱499.00
Books
₱499.00
Books
₱499.00
₱499.00
Books
₱59.00
Sale!
₱499.99
Reviews
There are no reviews yet.