Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – A Frontliner’s Successful Recovery

Magandang araw po sa lahat!

Ako po ay isang OFW na nagtatrabaho bilang isang nurse sa Ministry of Health dito sa Kuwait. Minsan na po akong naging positibo sa COVID-19 Disease. Kamakailan lang, napabalita ako sa pagkakasunod-sunod na pagpapatiwakal ng ating mga kababayan sanhi ng depresyon at takot na dulot nitong pandemic. Ito po ang nag udyok sa akin na ibahagi ang aking naranasan at umaasang makakapagbigay ito ng positibong pananaw at lakas ng loob sa ating mga kababayan.

Ito po ang aking kuwento…

Tatlo po kaming nurse na magkakasama sa bahay at lahat kami ay naging positibo sa COVID-19 Disease. Sa magkakahiwalay na araw, isa-isa po silang na-admit sa ospital sa kadahilanang nakakaranas na sila ng paghihirap sa paghinga. Ako naman ay nanatiling mild ang mga simtomas sa pagkakataon na iyon.

Ang dating normal na galawan sa aming bahay ay bigla na lamang nabalot ng katahimikan. Ako na ngayon ay nag-iisa. Marami ng kung ano-anong katanungan na pumapasok sa aking isipan katulad ng…

Ano kaya ang mangyayari sa hinaharap?

Ako ba kaya ay maghihirap din katulad nila?

Maganda na kaya ang kalalagayan ng mga kasama ko sa ospital?

Sino ang aalalay sa akin pag nagkataon?

Pakiramdam ko tuloy ay nagsisikip na rin ang aking dibdib sa paghinga. Dito ko na nilakasan ang loob ko at kinausap ang sarili upang lumaban. Mangyaring may ibinahagi sa akin na mga home remedies ang isang kababatang kapit-bahay sa aming probinsya at isa rin siyang nurse sa UK na nakasurvive din at gumaling ng nasa bahay lamang.

Ang mga ito ay steam inhalation na may asin (Suob) na gagawin sa apat na beses sa isang araw; pag inom ng mainit na pinaghalong turmeric, lemon at honey; at pag inom ng Vitamin C. Kaakibat nito ay ang pag-eehersisyo, tamang pagkain at sapat na tulog. Sinunod ko ang mga ito at ginawang normal lang ang daloy ng buhay sa araw araw.

Sa pangalawang araw ko pa lamang na pagsunod sa mga home remedies ay nanumbalik ang aking panlasa at pang amoy, nawala ang pananakit ng katawan at lumuwag ang aking paghinga. Nagkaroon ako ng tiwala sa aking ginagawa dahil naisip ko na nasa tamang landas ako patungo sa paggaling.

 Nawala ang aking mga pangamba at tuluyan ng lumakas ang pangangatawan. Tunay na epektibo at matatagpuan lamang lahat ang mga ito sa ating kusina. Huwag po tayo matakot at masiraan ng loob bagkus maging matatag tayo sa pagharap sa hamong ito dahil meron naman tayong magagawa para labanan ito.

Hindi po dapat mawalan ng pag-asa at lalong lalo na hindi dapat pagwakasan ng buhay. Nakabalik na uli ako sa trabaho bitbit ang malaking pasasalamat sa Diyos.

Robin Dayao a.k.a. Dong Binay

Isang Covid 19 survivor.

Maraming salamat po.

PS. Nakauwi na rin po ang dalawa kong kasama sa bahay. Ang isa pumapasok na at ang isa naman ay pinagpapahinga pa sa bahay.

MUST READ AND SHARE!

Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – Treating the Disease Alone

CORONAVIRUS: Kuwait OFW Quarantine Diaries – TABLE OF CONTENTS

Your Ultimate Access to Kuwait Directories in this COVID-19 Crisis

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE
Questions, suggestions send me at diarynigracia @ gmail (dot) com

You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

Peace and love to you.


Gracia Amor

Fatal error: Uncaught wfWAFStorageFileException: Unable to save temporary file for atomic writing. in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php:34 Stack trace: #0 /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php(658): wfWAFStorageFile::atomicFilePutContents() #1 [internal function]: wfWAFStorageFile->saveConfig() #2 {main} thrown in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 34