Notice: fwrite(): Write of 9710 bytes failed with errno=122 Disk quota exceeded in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 42
Discover The Inspiring COVID-19 Stories Of OFWs In Kuwait – Treating The Disease Alone – Diary Ni Gracia

Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – Treating the Disease Alone

Magandang araw po sa lahat! Ako pa ay isa sa mga kapwa OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa Ministry of Health sa Kuwait bilang isang nurse. Bilang isang frontliner, hindi talaga maiiwasan ang mukha ng panganib sa pagkakasakit ng COVID-19 disease. Dahil sa aking trabaho, minsan na akong nagka-positibo sa sakit na coronavirus.

Napansin ko ang pagkakasunod-sunod ng mga suicide cases ng ating mga kapwang kababayan sa buong mundo. Ito ay dulot ng malubhang depresyon at malawakang takot dahil sa coronavirus pandemic. Dahil sa nakakalungkot na mga pangyayari, napagtanto ko ang kahalagahan ng pagbabahagi ko sa aking karanasan sa COVID-19 disease. Ito ay para makapagbigay ako ng positibong pananaw at para mapalakas ang kalooban ng ating kapwang kababayan.

Nagsimula po ang aking kwento nang na-assign po ako sa ward bilang tagapag-hatid ng pagkain sa mga coronavirus patients. May contrata po ang kompanya sa Ministry of Health sa Kuwait. Ang kasama ko sa aking accommodation at trabaho ay dalawang Pilipina din po. Sa aming tatlo, dalawa po kaming nakaramdam ng sinat at sipon sa magkakasunod-sunod na araw.

Kahit mataas man ang aking lagnat, pumapasok pa din ako sa trabaho dahil kulang ang mga staff sa hospital. Ito ay dahil naka-assign kami sa ward na may mga coronavirus patients. Kapag nagigising ako sa gabi, palagi kong naiisip kung ano na ang mangyayari if magpositive ako sa coronavirus.

Naawa ako sa kahinanatnan ng aking mga anak at ang pamilya ko kapag nagkasakit ako dito sa Kuwait. Lalo na sa madaling araw ng paggising ko, halos hindi ko malunok ang laway ko sa sakit ng lalamunan ko. Ngunit pumapasok pa rin ako sa trabaho.

May corona na ba ako?

Naitanong ko iyan sa sarili ko. Sa panahong iyon, ako ay nag-iisa habang sari-saring katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. Ano kaya ang posibleng mangyari sa aking hinaharap? Maghihirap din ba ako katulad nila? Kumusta na kaya ang kalagayan sa mga kasamahan ko? Kapag nagkataon, sino kaya ang aalalay sa akin?

Sa pag-iisip ko nito, lalong sumisikip ang dibdib ko at ang aking paghinga. Hanggang sa nilakasan ko ang aking loob para lumaban at hindi magpa-api sa sakit na ito. Salamat nalang at may naibahagi ang aking ate tungkol sa mga home remedies sa COVID-19 disease.

Ang pangunahing payo niya sa akin ay ang pagtigil sa trabaho at pag-quarantine sa kwarto ko. Dahil dito, nagagawa kong gamutin ang sarili ko ng walang taong umiiwas. Nagpaalam ako sa head office ng company namin by hand written letter at nai-send ko through Whatsapp iyong letter na ginawa ko. Ito ay dahil fully lockdown ang Kuwait offices. Sarado kasi sila lahat.

Ang mga remedies na na-apply ko ay ang steam inhalation sa pinakulong tubig na may halong asin. Ginagawa koi to sa apat na beses sa isang araw. Kasama nito ay ang pag-inom ng Vitamin C at ng mainit na tubig na hinaloan ng lemon, honey at turmeric. Bukod nito, ako rin ay nag-eehersisyo, may tamang pagkain at sapat na tulog. Sinamahan ko na din ng check-up sa pharmacy. Binigyan naman nila ako ng antibiotic at iba pa. Sinunod ko ang mga ito at ginawang normal lang ang daloy ng buhay sa araw-araw.

Lumipas ang nine days bago bumalik ang pang amoy ko at panlasa. Sa nine days na iyan, bumababa ang lagnat ko from 39.4  to 36.3 Celsius. Pagnakakapag-steam ako ng may asin at nakakainom ako ng gamot sinasabayan ko ng mataimtim na dasal. Lalo ko pang dinasalan sa madaling araw na nagising ako na mataas ulit lagnat ko.

Diyos ko, ikaw lang ang tanging inaasahan ko sa ngayon. Lagi kong hinihingi sa kanya na pagalingin ako para sa mga anak ko. Ate ko lang ang may alam sa nangyari sa akin dahil sinabi ko na huwag ipapaalam sa mga anak ko at nanay namin. Ito ay dahil ayaw ko na mag-alala sila.

Hanggang sa paunti-unti, gumagaling na ako. Nawala na ang pananakit ng katawan at lumuwag ang aking paghinga. Nagkaroon ako ng pag-asa sa mga sumusunod na araw. Kausap ko palagi ang ate ko. Pinapalakas niya ang loob ko. Naisip ko na nasa tamang landas ako patungo sa paggaling.

Ang mga pangamba ko ay unti-unting nawawala habang lumalakas na din ang aking pangangatawan. Saksi talaga ako sa epektibo sa mga home remedies na matatagpuan lang sa ating mga kusina. Habang hinaharap natin ang hamong ito, tayo ay dapat magpakatatag at huwag mawalan ng tiwala sa ating mga sarili. Ito ay dahil may magagawa tayo laban sa COVID-19 disease bukod sa mga precautionary health measures. Ang hamon ng COVID-19 disease ay hindi dapat natin gawing rason para wakasan ang ating mga buhay.

Malaking pasasalamat ko sa Diyos. Dalangin ko din na sana gumaling na din iyong mga kasama ko na nagpositibo din. Sa ngayon, pinag-home quarantine muna sila ng company namin.

Kabayan Ren (name withheld)

Isang COVID-19 Survivor.

Maraming salamat po.

PS. Nag-okay na din iyong isa kong pinay na kasama at bumalik na sya ulit sa trabaho. Ako naman ay naghihintay nalang na matapos ang lockdown. Naghahanap din ako ng mapapasukan na iba kasi terminated na ako. Ito ay dahil hindi ko na ginustong bumalik pa sa trabaho ko.

MUST READ AND SHARE!

Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – A Frontliner’s Successful Recovery

CORONAVIRUS: Kuwait OFW Quarantine Diaries – TABLE OF CONTENTS

Your Ultimate Access to Kuwait Directories in this COVID-19 Crisis

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE
Questions, suggestions send me at diarynigracia @ gmail (dot) com

You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

Peace and love to you.


Gracia Amor

Fatal error: Uncaught wfWAFStorageFileException: Unable to verify temporary file contents for atomic writing. in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php:51 Stack trace: #0 /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php(658): wfWAFStorageFile::atomicFilePutContents() #1 [internal function]: wfWAFStorageFile->saveConfig() #2 {main} thrown in /home/u769886334/domains/diarynigracia.com/public_html/wp-content/plugins/wordfence/vendor/wordfence/wf-waf/src/lib/storage/file.php on line 51