Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – Battling COVID-19 With God’s Faith

Noong middle of January this year, pinapanood ko lang sa internet ang kumakalat na sakit sa Wuhan, China. Bagama’t nakaka-awa ang mga taong tinamaan ng bagong sakit na ito, Subalit, hindi ko naramdaman ang takot sa pagkakasakit nito dahil napakalayo ng China sa Kuwait kung saan ako ay nagtatrabaho.

Pero nang pumasok ang Pebrero, nagsimulang dumating na sa Kuwait ang mga taong na-infected ng virus na ito. Sinimulan na akong kabahan. Hindi pala ganun kahirap na maglakbay ang virus na ito dahil sa kanyang high-infectivity rate. Madali pala itong makakahawa at magpalipat-lipat lalo na kapag hindi ititigil ang paglabas pasok ng mga tao galing sa mga bansang apektado ng infection sa COVID-19. Kaya noong last week na February, nagsimula na ang lockdown sa Kuwait.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang virus. Bukod sa madalang na ang pasok sa work dahil sa lockdown, wala na ring gatherings sa Church. Puro social media nalang ang nakikita. Isa pa, masyado naman po akong maselan. I see to it na na-disinfected lahat ng dala ko at agad akong naliligo. Kaya ang mainfected ng COVID-19 ay hindi ko talaga inaasahan.

Nakaramdam ako ng symptom noong April 28 after work. Well, hindi ko pa alam na symptoms na pala yun ng COVID-19. Iyong gabi na pagkagaling ko sa trabaho, mga April 28, masakit iyong mga joints at katawan ko.

Akala ko dahil lang iyon sa pagpupush-up ko kasi during lockdown nag-exercise naman ako. Pero kakaiba talaga siya eh. Iyong parang tinatrangkaso ka. I also feel feverish na parang nilalagnat. Pero pagcheck ko naman sa thermometer, iyong aking body temperature is within normal.

From those days, nag-undergo ako ng medical treatment sa mga quarantine medical facilities. Mga 27 araw din po akong nahiwalay sa bahay dahil sa aking COVID-19 infection. Sa mga araw na iyon, sari-saring mga pagsubok ang naranasan ko.

Ngayon na gumaling na ako, masaya ko ng nakapiling ang aking asawa. We see to it na pinangalagaan namin ang aming kalusugan sa pamamgitan ng pagkaing masustansya, pagtatake ng vitamins at regular na exercise.

Ilang lessons sa buhay ang natutunan ko sa aking pagkasakit. Una ang buhay ay maikli. Walang panahon sa pag-aaway at sama ng loob. Dapat palaging nagmamahalan.

Pangalawa, ang ating Diyos ay nakapang-yayari sa lahat. He is a sovereign God. Kapag pinahintulutan niya na dumaan ka sa mga pagsubok tulad ng infection ng COVID-19, daraan ka talaga. Subalit manalig ka ng biyaya niya at lakas ay sapat upang magtagumpay ka. Magtiwala ka ng anuman ang nangyari. Dahil anak ka ng diyos, He knows what’s best for you and your family.

Ikatlo, ang pagtitiwala ng Diyos at kanyang salita kasama ng positibing pananaw sa iyong sitwasyon ang magbibigay sa iyo ng lakas upang magtagumpay. Sa panghuli, sa panahon ng iyong pagkakasakit, ang iyong pamilya at iyong kaibigan ang tunay na magmamalasakit. Sila ang pinaghuhugutan ng iyong lakas.

Kabayan David

Isang COVID-19 Survivor

Maraming Salamat po! Para po sa karagdagang impormasyon kung paano ko nilabanan ang sa kit ko, watch this documentary video ko po. Thanks po.

https://www.youtube.com/watch?v=_uftzHIl9R4&feature=share&fbclid=IwAR2Ukh2b6HDu9wdGULbGyoGZ-4Kxy8YM0g5zhvwHV-YD7pUqi_BnmYs9kOQ

MUST READ AND SHARE!

Discover the Inspiring COVID-19 Stories of OFWs in Kuwait – A Frontliner’s Successful Recovery

CORONAVIRUS: Kuwait OFW Quarantine Diaries – TABLE OF CONTENTS

Your Ultimate Access to Kuwait Directories in this COVID-19 Crisis

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE
Questions, suggestions send me at diarynigracia @ gmail (dot) com

You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

Peace and love to you.


Gracia Amor
error: Content is protected !!