BINHI
Panalangin para sa Anak
Kung ganap ka nang isang haligi ng tahanan, isang ilaw ng tahanan, isang anak na kung saan mayroon nang kakayahang makabasa at maka-unawa, narito ang iba’t ibang tulang pumapatungkol bilang pagiging isang anak sa bawat tahanan na siyang mabubukas sayo upang makita at malaman ang mga karanasan, responsibilidad, pagmamahal at kung anu-ano pang kaugaliang dapat taglayin ng isang pagiging anak sa isang pamilya sa pamamagitan ng mga tulang inyong mababasa.
Dito, mauunawaan ng bawat indibidwal na makababasa na kahit lamang sa pamamagitan ng mga tulang ito ay maipapahatid ang bawat mensaheng naglalaman ng mga karanasan gayundin ang mga kaugalian, responsibilidad at marami pang ibang gampanin bilang isang pagiging anak tungo sa matatag, matiwasay at masayang pamilya.
Sa panahon natin ngayon, mahalaga at mayroon talagang malaking tulong ang mga ganitong uri ng likha bilang dagdag na materyales sa pangangailangan ng karamihan bilang magsilbing kaalaman at pagpapakita ng realidad ng buhay lalo’t higit ang pagmulat ng mga tulang ito sa malinaw at taos pusong mga mensaheng nagtataglay ng pagiging butihin, masunurin at syempre, ang pagmamahal mayroon dapat na ipamalas ang mga anak o silang kabuoan bawat tahanan.
Muli, kung ikaw ay isa sa mga nabanggit kanina, ano pang hinihintay mo, humanap na ng maayos at mayroong komportableng puwestong pagbabasahan, samahan mo na rin ng malawak na pag-unawa sa bawat mensaheng taglay tungo sa maayos at naka-i-inspirasiyong mga tula para sa lahat ng uri at estado mo sa buhay.
Reviews
There are no reviews yet.