Hindi Laruan ang puso

Hindi Laruan ang Puso. Tila ang katanungan kay Binibining Shamcey Supsup Bb. Pilipinas – Universe na nanalo bilang third runner-up ang maihahalintulad sa kuwento buhay pag-ibig ni Gina. 

Sa patimpalak na Ms. Universe Pageant ay tinanong si Bb. Supsup ng huradong si Bb. Vivica A. Fox sa tanong na “Handa ka bang baguhin ang iyong pan-relihiyong paniniwala para lamang pakasalan ang taong mahal mo? Bakit?

At napakaganda ng naging tugon niya dito, ” kung babaguhin ko ang aking paniniwalang pan-relihiyon, ay hindi ko papakasalan ang taong mahal ko, dahil ang una kong mahal ay ang Diyos na lumalang sa akin, ako ay may pananampalataya, paniniwala at prinsipyo at ito ay ako. At kung tunay niya akong mahal dapat ay mahalin din nito ang aking Diyos”.

Sa kasagutan niyang ito ay napahanga ang nakararami, maraming tumaas ang kilay ngunit mas marami sa inam ang nagbigay pugay dito. Sa kabilang banda, eto naman ay nagaganap sa tunay na buhay ating basahin ang totoong buhay na kuwento ng pag-ibig na maitutulad natin sa naging tanong kay Bb. Shamsey.

 Ang kuwento ng pag ibig ni Gina

Si Gina ay isang dalagang Katoliko at isang simple  na OFW nag-ta trabaho sa isang kilalang opisina sa gitnang silangan bansang  Kuwait, natural ang ganda at hindi mo na kakailanganin pa ng anumang pintura para sa mukha.

Si Ahmed ay ka-opisina nito isang lalaking tila pinakalooban na ng kumpletong pisikal na anyo, perpekto kung tatagurian na natin.  Siya ay isang Muslim, may asawa at anak, mayaman, mabuting tao, respetado, may mataas na tungkulin sa Islam at kilala sa bansang Kuwait.

Iisang kumpanya lamang ang pinag-tatrabahuan nila. Halos madalas sila dito nagkikita at nagkaka-usap kaya naman nahulog loob ni Ahmed kay Gina.

Si Ahmed ay mabuting tao at kilala sa lipunang ginagalawan nito at nais nito ang makapag-asawa ng tatlo at magkaroon ng tag-iisang anak mula rito. At si Gina nga ang napupusuan nitong maging ikalawang – asawa.

 
Maiging sinusuyo ni Ahmed si Gina para siya ay maging ikalawang asawa nito, sa batas ng Muslim ito ay pinahihintulutan, lalo na kung ikaw may kakayahang makapag-bigay ng suporta sa iyong una at ikalawang asawa o susunod pa.
 
Ang mga araw-araw pang pagkikita sa opisina ni Ahmed at Gina ay lalo pang pinag-igting ng sila ay maging magkaibigan, habang patuloy na nanuyo si Ahmed para tanggapin ni Gina ang pagmamahal nito at gawin siyang asawa. Nakikilala na ng lubos ang kagandahang loob nitong si Gina kung kaya naman hindi ito nag-aatubuling kanyang aluking pakasalan siya.
Isa sa mga kondisyon ng pag-aasawa sa Islam ay mahigpit nitong ipinagbabawal ang pag-aasawa  ng walang pag-sang-ayon o sapilitang pagpapakasal.
 
At sa araw-araw naman ay ganito ang masasaksihan sa kanilang batian;
 
Ahmed:   Salam!  
Nakasuot ng puting  disdasa, may dalang timplang tsaa para kay Gina habang nakangiti  ng ubod ng lambing.
 
Gina:        Salam!
Sabay pagtanggap nito ng maiinit na tsaa na hindi tumitingin sa mga mata ni Ahmed, ngunit walang balak inumin sa kadahilanang sumasama ang tiyan nito sa ganitong inumin, ngunit ito ay  hindi na lamang niya tinatanggihan. 
 
Ahmed :  Sabah el kheer  (magandang umaga) Gina!
Nakangiti nitong tugon kay Gina
 
Gina:        Sabah el noor   (magandang umaga na tugon sa paunang bati) Ahmed!
 
Ahmed:   Kaifa halak?      (kamusta ka na?)
Bumati habang yumukod ng konti sa mesa ni Gina para pagmasdan ang mukha nito.
 
Gina:       Tamam Shokran, Inti?    (Mabuti naman Salamat, ikaw?)
 
Ahmed:  Alhamdulillah Zen!   ( Mabuti din, Salamat sa Diyos)
Habang iniinom nito ang maiinit na tsaa
 
Palibhasa ay nakapag-aral na itong si Gina ng lenguahe ng Arabic kung kaya’t nakakapag-salita ng  lengguahe ng maayos at nauunawaan.
Kung iyong titingnan si Ahmed ay masasabi mo ng napaka-suwerte mo na tila kung ito ay mapa-ibig mo, na hinahangad ng karamihang mga babae subalit si Gina ay may prinsipyo at  pananaw sa buhay na hindi niya maaring mahalin ang lalaking magpapago lamang ng kanyang pang-relihiyong paniniwala  at buong pagkatao na  kung siya man ay magmamahal ay nararapat nitong kilalanin ang kinikilala nitong Diyos na walang pag-aalinlangan sa kadahilanang ito ang kanyang mahal.
 
 
Nagdaan pa ang mga ilang araw at sa bawat araw ay nagiging maganda ang kanilang pagtitinginan bilang magkaibigan. 
 
Sa ilang araw, buwan at pagsasama nila ni Gina sa isang opisina ay lalong nagkakilanlan ang dalawa sa katagalan at nasigurado na nito ang kanyang kalooban sa binibining nais mapakasalan. Dito na dumating sa puntong  nagbibigay paliwanag na si  Ahmed tungkol sa kultura ng pag-aasawa ng Muslim partikular ang polygyny  na tanggap ang makatarungang  pagkakaroon ng ilang asawa  na kaya nitong suportahan ng pantay-pantay sa lahat ng bagay.  Sinabi din nito kay Gina ang mga plano nito kung sakaling pumayag itong maka-isang dibdib at kung anuman ang suportang binibigay sa unang asawa ay siya rin nitong tatamasahin tulad na lamang ng pag-tira sa Villa nito, pagkaroon ng sariling sasakyan at mga kadama.  
 
Araw-araw ay binibigyan ng kaalaman ni Ahmed si Gina tungkol sa Islam at pagiging isang Muslima. Marami na ding ibat-ibang klaseng aklat  patungkol sa relihiyon nito at hijab ang binigay nito kay Gina upang lubusang maunawaan nito ang relihiyong kinagisnan. Ang hindi malilimutan ni Gina na handog nito pagkatapos ng Ramadan ay ang Hijab na may gintong burda sa paligid nito, agad niya itong sinauli ng ito ay kanyang makitang ang pagkakatahi nito ay may gintong burda. Ilang beses na din lahat ito pinaliwanag kay Ahmed tungkol sa paniniwala at pananalig ukol sa pagmamahal nito at pakilala sa Diyos, ngunit masuyo pa din si Ahmed na ito’y maari niyang makumbinseng mag-suot ng Abaya at simulang kilalanin ang Islam.
 
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may umuusbong na ding pagmamahal si Gina sa lalaking ito, ang pakiramdam na ito ay agad na pinapatay na paulit-ulit sa twing nararamdaman nitong ito ay nagsisimulang yumabong dahil ang pag-ibig para sa kanya ay hindi tulad ng laruan lamang na maaring iisang tabi kung sakaling ito ay pinagsawaan mo na at nalamang mali pala itong laruang nabili. Pinanindigan ni Gina ang kanyang desisyon kahit anong buti pa at ganda ang paliwanag at pag-aakay ni Ahmed.

Nanindigan itong hindi mo kailangan magbago ng paniniwala upang mag-bigay daan sa pagmamahalan dahil ang kinikilalang Diyos natin ay may nakalaang tamang tao para sa atin.

 



==================================================

Ang Ikalawang Kuwento ng Pag -ibig ay tungkol kay  Lina


Si Lina ay isang guro nais ilahad ang karanasan at saloobin bilang isang OFW, ating pakinggan at unawain ang kaniyang kuwento.
.

Wakas.

Aral:

Ang tunay na pag-ibig ay makakamtam lamang kung ito ay maibabahagi natin ng wasto sa ating kapwa at sa ating mga minamahal sa buhay, lalo nating isa-isip na ang puso ay hindi laruan na kung tayo ay mag-sawa na dito at gusto na nating palitan ay basta nating magagawa, dahil ito ay may pintig at kaloob ng Dakilang Diyos.

==================================================

Ang maikling kwento na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 3

MUST-READ AND SHARE!

Updates from SSS and PhilHealth that you must know

SSS Payment Reference Number

CORONAVIRUS DIARIES Week #42: PCR Tests are now required

SSS’ scheduled contribution rate increase

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE. Questions, suggestions, send me at diarynigracia@gmail.com 

You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

 

Peace and love to you.


Gracia Amor

6 thoughts on “Hindi Laruan ang puso

  1. Avatar
    bagotilyo says:

    a very timely story..

    lalo na sa panahon ngayong ang ilan ay nakikipagbaka sa ganyang sitwasyon.

    tama ka God is writing and preparing the best love story for us.

    . nice lessons..

    Gudlak satin sa SBA.

  2. Avatar
    Duke Obet says:

    this is a one way of god to test everyone of us, para sa kanya ito yung test na iyon. If love is a subject many of us fails out of this kaya di ginawang subject ito hehehe… love is so broad that finding ways is like a maze… lahat ng bagaya naman eh sugal pero dapat alam mo rin kilan huminto at mag muni muni kung madali lang ang mag desisyon eh bat pa tayo nabubuhay? kaya nga mahirap mag desisyon kasi challenge yun lahat ng bagay naman eh nadadaan sa simpleng bagay and hirap kasi sa atin eh saan tayo kuntento… kaya nga nilagay ni lord na nasa taas ang utak at nasa baba ang puso para marunung tayong mag isip! at kong sasangayon tayo lagi sa silakbo ng damdamin eh malalagay tayo lagi sa alanganin at sa bandang huli eh magsisi at sasabihin paring di ko pinagsisihan… even in death pride still remains.

  3. Avatar
    kiko says:

    sa totoo lang ang ganda ng mensahe, lalo na 'ung nagsasalita, sana isang araw ay makita ko siya at makausap ng personal, hehehe… more power gracia! keep on blogging!

  4. Avatar
    tatess says:

    buti naman at di nagpapadala si Gina sa mga panliligaw ni Ahmed .mahirap ng maging isa sa mga asawa nila.hindi tayo sanay dyan.

  5. Avatar
    Meg says:

    nakakainspire naman po itong kwentong ito. tama po kayo, nasa tao lang ang desisyon kung anong mga hakbang ang dapat nilang gawin para sa pag-ibig. pero kailangan din nating gamitin hindi lang ang puso kundi pati na ang utak upang di tayo lubusang masaktan. yun lang po. 🙂

  6. Avatar
    shy says:

    nasa isang tao, ang desisyon kung siya ay susugal sa pag-ibig. pagkat siya rin ang nakakaalam kung makakaya niya ba ang sakit at kung magiging masaya ba siya dito…

    nice….natuto rin ako ng muslim word.. 😀

Comments are closed.

Hard to convert Money into different currencies? We got you!
You can convert your Money into different currencies by selecting country below. Enjoy!

Keep in touch and please subscribe!

Free Download Now
DNG Devotional Book - Grateful Heart
Download now
error: Content is protected !!