nagbksakali lang ako na meron din ako kapareho situation d2. at matulungan ako mapauwi ko c hubby sa pinas. nalaman ko kc na may babae c hubby sa taiwan..kung papano??cguro sobrang gifted lang ako ng malakas na radar. ganito kc un, tinawagan ko c hubby last june kc may skit un bunso nmen for comfort lng ba..e sad to say babae un sumagot sa dlawang numbers nya. that time d pa ko ganun ka-affected kc nga may skit un bebe ko. kinabukasan tumawag c hubby sbi nya frend lng daw nya etc.etc..ciempre d ako naniwala. tpos july 2, nakatihan ko lng buksan ym ni hubby(fyi: matagal ko na d binubuksan ym nya ewan ko bkit ko naisipan buksan that time) at un na nga may offline message galing sa girl na: MAHAL I LOVE YOU SO MUCH! hay..naloka ko dun! as usual tinanong ko cia at d na nman daw niya kilala un! after that incident wla na un mga contact numbers ko s knya..pinamigay na nya! so imagine asawa ko pro wla ako makontak sa srili kong asawa!halatang may tinatago! tpos nun ngkausap kmi ulit ngbgay cia ng panibagong number after 1 or 2wks ata na wla ako kontak s knya..tpos one time tinwagan ko un bagong number nya at un babae na nman sumagot! nagpakilala ko na kapatid ni hubby..pro naputol un line so tumawag ulit ako c hubby na ang sumagot at nun tanong ko cia cno un sumagot puro buntong-hininga lng sgot sken hanggang sa umamin cia na lalaki lang daw cia at fling lng daw nya un!
sobrang skit hanggang ngaun..d ko na alam panu ko cia mapapauwi kc sbi nya ayaw nya daw umuwi ng wlang pera kc madami pa nga kmi utang pro sa mgulang ko lng nman kmi may utang..ewan ko ba..ciempre wla na un trust ko s knya kya ayoko na cia mag-stay dun..lumapit na din ako s agency nya d2 sa pinas pro wla din cla nagawa…
meron ba d2 na may same situation??ano gnwa nyo pra mapuwi c hubby nyo??nkiusap na ko s knya pro wla p din eh..sbi nya mahal na mahal daw nya ko at ayaw nya mkipaghiwalay sken pro bat gniito..sobrang gulo n ng isip ko..pls help me!
From: Ms. Jheny
============================
Mr. Joshua says:
…mahal na mahal ka pa daw n’ya pero may iba s’yang kapiling? hmm, saan comedy sitcom ko ba napanood ‘yon? anyway, I got 2 tips for you… first, bakit ikaw lang ang kailangang mapraning, right? so, kung makokontak mo ulit ‘yung babae, tell her the truth i.e. ikaw ‘yung asawa… then tell her the truth na sinabi ng husband mo na “fling” lang daw s’ya o parausan… then ask her, kung OK lang sa kanya ‘yon?… tell her also na ikaw kahit papaano ay may habol dahil sa marriage contract ninyo, samantalang s’ya, puwedeng iwanan, any day, anytime ng walang kahabo-habol (hmm, naisip ko lang, kawawa nga naman pala s’ya)… anyway, the whole idea is, share ‘yung pagka-paranoid mo… and that lady is the right person to share with…
…now, the second tip is… if you want to bring your husband back home, first thing you have to think is, matitigil na ba talaga ‘yung pagiging chick-boy ni mister? o baka naman talagang kailangan putulin? I mean, kung mapuputol ba talaga ‘yung ugnayan n’ya doon sa babae?… this is important kasi, once na patuloy pa din ‘yung relationship n’ya (o kaya nakakita ulit ng iba si mister), mas lalala ang magiging situasyon ninyo (kasama na ang anak n’yo)… kasi, at this moment, I believe, nakakapagpadala pa naman si hubby sa inyo kasama na doon ‘yung pambayad sa utang ninyo… ibig sabihin, ‘yung pagiging chick-boy pa lang naman ang problema mo sa kanya… kapag pumirmi o umuwi na s’ya sa Pilipinas at patuloy pa din s’yang naging chick-boy, sigurado ako na madaragdagan na ‘yung sakit ng ulo mo… that time, kasama na ‘yung financial aspect sa problema ninyo… this is a fact → isang pinaka-importanteng requirements ng pagiging “chick-boy” ay hindi ang pagiging guwapo… kungdi ang pagkakaroon ng financial resources…
…madali lang mapauwi si hubby kung gugustuhin mo bilang legal na asawa… huwag mo na lang ipagkakalat ito sa iba ha, atin-atin na lang ‘to, pero maraming paraan… una, puwedeng sulatan mo mismo ‘yung employer n’ya (direct to HR Dept.) and tell them the scenario… usually, lalo na kung may concerned ang company sa kanilang empleyado, kinakausap nila ito at karaniwan na pinapauwi para ayusin ang problema… 3 na ‘yung kaso na alam ko na pinauwi ng employer dahil nga sa nagreklamo ang misis sa Pilipinas at pinaaayos ‘yung problema… nakabalik naman ‘yung 2 sa 3 nabanggit ko… kung hindi naman makikialam ang employer sa situasyon mo, ito pa ang isang magandang paraan → mag-file ka ng case of psychological violence under RA 9262… accordingly, Republic Act 9262 or the “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” has now come to the rescue of women…. philandering husbands can now be charged criminally even for just ONE incident of marital infidelity under the “psychological violence” provision of RA 9262… and this will bring your husband back to Philippines for sure…
…ito lang ang concerned ko, once you did that, I don’t think that you can revert everything back to normal… kaya nga naitanong ko sa ‘yo na kung makakauwi o mapapauwi mo ba si husband ay sigurado ka bang titino na s’ya? kung nakakasiguro ka na titino na s’ya, then do the right thing – pauwiin mo!… if not, you have to think kung ano ba ang magiging effect sa anak ninyo… ito ang isang bagay na hindi mo dapat isang tabi…
…so, once na decided ka na, here are the contact infos na pupuwede mong hingan ng tulong regarding RA 9262↓↓↓…
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Crisis Intervention Unit (CIU) Rehabilitation Unit Tel. No.: (02) 734-8635 NCR Ugnayang Pag-asa, Legarda, Manila Tel. Nos.: (02) 734-8617 to 18
Philippine National Police (PNP) Women and Children’s Concern Division (WCCD) Tel. No.: (02) 723-0401 loc. 3480 Call or text 117 (PATROL 117)
National Bureau of Investigation (NBI) Violence Against Women and Children’s Desk (VAWCD) Tel. Nos.: (02) 523-8231 loc. 3403
DOJ Public Attorney’s Office Women’s Desk
Tel. Nos.: (02) 929-9010; 929-9436 to 37
Philippine General Hospital (PGH) Women’s Desk Tel. Nos.: (02) 524-2990; 521-8450 loc. 3816
Women’s Crisis Center Women and Children Crisis Care & Protection Unit – East Avenue Medical Center (WCCCPU-EAMC) Tel. Nos.: (02) 926-7744; 922-5235
…goodluck… and I hope you will do the best thing for your child (children)
…walang kasiguruhan….
…’yung iba, makakakita pa ng rason para i-justify ‘yung pambabae n’ya…
…I still do believe in one thing i.e. walang illicit relationship kung walang 3rd party… ibig sabihin, hindi puwedeng mambabae si mister (kahit anong gusto n’ya) kung walang papatol na ibang babae sa kanya…
…at kaya lang nakapambabae si mister ay dahil sa MAY PUMAPATOL SA KANYA – simple as that!…
…now, imagine this, kung lahat ng babae sa buong mundo ay hindi papatol sa lalaking may responsibilidad na, kahit anong pambobola ang gawin ng lalaki, wala po tayong ganitong discussion… believe me…
…I’m not saying na babae ang may kasalanan… but rather emphasizing here that “it takes two to tango”… kapag nangaliwa si mister, hindi lang po kay mister ang error… ito kasi ang isang bagay na nakakaligtaan natin kaya hindi natin maresolba ang problema na ito…
…there are 3 basic ingredients para mag-start ang sunog… una, kailangang may heat (o init)… pangalawa, kailangang may fuel (o ‘yung pupuwedeng masunog)… then, oxygen (take a deep breath, inhale, exhale, ‘yun po ‘yon)… tanggalin po natin ang isa at sinisiguro ko sa inyo na walang sunog…
…now, i-apply natin sa pambabae ni mister… kailangan din n’ya ng 3 importanteng ingredients… una, kailangan may “heat” si mister (ibig sabihin, nature’s urged or libog)… pangalawa, may “susunugin” s’ya (or in layman’s view, another woman na payag makipag-relasyon sa kanya inspite of his status)… then, pangatlo, ‘yung “oxygen”… now, literally kailangan talaga ni mister ng oxygen, dahil kung hindi na, wala na kayong tiyak problema kay mister… so, here comes the prevention… tanggalin natin ang isa sa mga iyon at siguradong hindi na makapambabae si mister… kung ‘yung nature’s urged ang tatanggalin natin, dalawa lang ang pupuwedeng paraan… ‘yung hintayin ang pagtanda ni mister (hangang sa maubos na ‘yung libog) o putulin mismo ‘yung bagay na nagbibigay sa kanya ng libog… pangalawang option, ‘yung oxygen… tanggalan natin ng oxygen si mister, 100% sure na hindi na s’ya makapambabae (then puwedeng i-cremate na lang ninyo ang kanyang katawang lupa)… pangatlong option, ‘yung 3rd party… kapag walang 3rd party siguradong walang babae si mister – kahit gustuhin n’ya…
…parang apoy din, may “heat” at “oxygen” ka nga, pero wala ka namang susunugin or any combustible materials, hindi ka din makakapaglaro ng apoy…
Ms. Serene (a.k.a Gracia Amor) says:
I wish you more love to come on your family.. and Godbless.
CORONAVIRUS DIARY: DAY #93 – Hoping for our Independence from COVID-19
CORONAVIRUS DIARIES: Day #95 – Constant Assistance and Preventive Operations for All
CORONAVIRUS DIARY: DAY #94 – Food Baskets for Life
A multi-award-winning blogger and advocate for OFWs and investment literacy; recipient of the Mass Media Advocacy Award, Philippine Expat Blog Award, and Most Outstanding Balikbayan Award. Her first book, The Global Filipino Bloggers OFW Edition, was launched at the Philippine Embassy in Kuwait. A certified Registered Financial Planner of the Philippines specializing in the Stock Market. A recognized author of the National Book Development Board of the Philippines. Co-founder of Teachers Specialist Organization in Kuwait (TSOK) and Filipino Bloggers in Kuwait (FBK). An international member of writing and poetry. Published more than 10 books. Read more: About DiaryNiGracia
Acknowledgements
DISCLAIMER
Naaliw naman ako sa post mo, nakakamiss na tuloy yung program ni papa jack
para sa akin simply lang, kaya siya may ibang babae kasi pinalitan na niya ako, bakit ko pa siya pauuwiin? makikipag hiwalay na lang ako, hihintayin ko na lang dumating sa kanya ang karma, im sure makakarma siya sa pamababae niya, hehe!
hihingi na lang ako ng sustento para sa mga bata, pag hindi niya gawin yon, ededemanda ko siya..
sorry kong naging marahas ang comment ko, ayaw ko lang sa mga lalaking babaero.
Wow, ang lupet ng advice ah.. Parang si Dr. Love.. Nice.. 🙂
(imho)2 lang.. either pauwiin nya ung hubby nya or manghingi sya ng sustendo para sa mga anak nila.
una: kung pauwiin naman nya, cgurado ba syang nde na mambabae ung hubby nya? tsaka paano naman sustentuhan ng hubby nya ung mga anak nila kung nsa pinas sya at walang trabaho?
pangalawa: hwag nalang nyang pauwiin ung hubby.. instead manghingi nalang sya ng sustento sa mga anak nila or else idemanda nya ung dalawa(mister at babae) at ipakulong.