“Magulo ba sa Kuwait?”..from my OBRA acceptance speech

diary-ni-gracia-obra-speech

My OBRA acceptance speech:

“Maraming salamat po sa lahat ng mga Filipino communities sa Kuwait at sa lahat po ng mga sumusuporta sa akin as blogger. Ang website ko po na www.diarynigracia.com is all about my advocacy. I am not only writing para lang po ma share ko ang pagiging isang Pilipino dahil sumusulat din po ako for different events na nagaganap sa Kuwait.”

“Ilang buwan pa lamang po ang nakakaraan ay naisagawa ko ang Oplan Habagat na kung saan 200 boxes po ng mga iba’t ibang donation mula sa mga Filipino Communities sa Kuwait para sa mga kababayan natin ditto sa Pilipinas na nasalanta ng ulan at baha. Iyon po ay sa tulong ng LBC WLL Kuwait na nagbigay ng libreng pagpapadala dito sa Pilipinas.”

“Katulad po ng blood donation campaign recently lang po ay naisakatuparan din sa Kuwait sa tulong ng mga Kuwaitis, Filipino communities and other expats doon. Ang Blood Donation po ay bilang isang pasasalamat sa bansa kung saan tayo nagtatrabaho na hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera.”

“Asst. Coordinator po ako ng pidck.com o Philippine Independence Day Celebration in Kuwait na kung saan ay kahit malayo kami sa ating bansa, ay ginugunita at pinapahalagahan namin ang ating kalayaan. Mayroon din po akong Grace A Tree Foundation, isang environmental advocacy po sa pagtatanim at pag aalaga ng mga puno. Mahalaga po ang mga puno sa atin dahil nakakatulong pong maiwasan ang mga kalamidad.”

“Co-author din po ako ng manilachannel.com at sa mga susunod na mga araw ay pupunta po ako ng Tacloban City para sa meeting ng team. Ang kabayaninkuwait.com naman po ay isang interactive site na tumutulong sa mga nais makapunta ng Kuwait at yung mga papunta na talaga sa Kuwait. “

“Noong una pong pagpunta ko ng Kuwait I had zero knowledge tungkol sa bansang iyon. Laking pasasalamat ko din po sa aking agency sa tulong po ni Mam Dolores Suarez Elenany. Kung hindi po dahil sa kanilang pag aalaga, hindi po ako makakabuo ng aking mga pangarap sa Kuwait.”

“Ganoon din po ang aking pasasalamat kay Sir Lito Soriano at Mam Marcia Saguipon. Kay Nad metalpig na isa po sa mga kasamahan ko sa Kuwait at nagde design po lahat ng aking web projects. Sa LBC WLL Kuwait at sa UAE Exchange Kuwait sa kanilang suporta.”

“Dahil parte po ng Middle East ang Kuwait kaya’t ang malimit itanong sa akin ng mga kabayan ay “Magulo ba sa Kuwait?” Dahil nga po sa pag aakalang ganito kaya’t hindi po madali para sa amin ang mag imbita ng ating mga celebrities na mag show sa Kuwait. Kailan lang po ay nandoon si Ms. Kitchie Nadal.”

“Ang sagot ko sa tanong na iyon ay “ang kaguluhan ay nasa isip ng tao. Kung magulo po ang ating isipan, kahit saan man tayo makarating, higit na magulo ang ating pupuntahan.”

“Thru kabayaninkuwait.com mayroon po tayong nabigyan ng advice tungkol sa pagiging OFW.  He is a Chemical Engineer at nag try siyang pumunta ng Afghanistan for 2 years. Totoo pong medyo may kaguluhan doon ng mga panahon na iyon ngunit dahil may purpose po sa buhay ang tao na iyon, sa Awa naman po ng Diyos ay maayos ang nangyari sa kanya sa Afghanistan. Nakapagpatayo po siya ng business dito sa atin at sariling bahay gamit ang mga naipon niya sa pagiging OFW.”

“Higit po sa lahat, nais kong iparating sa lahat na ang pagsusulat sa mga websites katulad po ng aking ginagawa ay malaking tulong po sa ating mga kababayan at upang mapabuti natin ang buhay ng ating mga pamilya.”

“Maraming, maraming salamat po!”

 

 

 

 

MUST-READ AND SHARE!

CORONAVIRUS DIARIES Week #52: Hospital Situation at Kuwait Hospitals amidst COVID-19

CORONAVIRUS DIARIES Week #51: Current Situation of Partial Curfew in Kuwait

Your Friendly Guide About Congressional Migrant Workers Scholarship Program (CMWSP)

SCHOLARSHIPS FOR OFW DEPENDENTS – Table of Contents

Updates from SSS, PhilHealth, and Pag-IBIG that you must read

 

If you like this article please share and love my page DIARYNIGRACIA PAGE. Questions, suggestions, send me at diarynigracia@gmail.com 

You may also follow my Instagram account featuring microliterature #microlit. For more of my artworks, visit DIARYNIGRACIA INSTAGRAM

 

 

 

 

 

 

 

 

Peace and love to you.


Gracia Amor

17 thoughts on ““Magulo ba sa Kuwait?”..from my OBRA acceptance speech

  1. Avatar
    RonLeyba says:

    Hoping that all countries and nation can enjoy peace for the new year to come. Not only in Kuwait, but for all countries. Kudos to you and to your blog. Saw your write ups at manilachannel.com.

  2. Avatar
    Mark Morfe says:

    Probably one reason why people have the impression “na magulo ang Kuwait” is probably during the time when Iraq invaded them in the 90’s (or 80’s probably). But its nice to know that there are still people who believes that there is more opportunity in the middle east rather than thinking of its dangers and perils. ^_^

  3. Avatar
    Alwin says:

    It’s good to see that you’re able to achieve your dreams in Kuwait. I have a friend who had to leave that country dahil nga sa “magulo”. I guess we all have different paths to take.

  4. Avatar
    Mary Anne Velasco says:

    Wow. Ang dami mong achievements. Bilib ako sa iyo because you always try to reach out to others and help people around you in every possible way you can.

    Magulo ang isip ng tao… I guess, tayong lahat eh may experience ng kaguluhan sa isip. Pagkabagabag and pag-aalala. Ganun ang buhay. Parte ng pagiging tao ang problema. 🙂 Pero buti nalang, laging mas matimbang ang saya… kahit papano.

  5. Avatar
    nanardxz says:

    Tama po na ang kaguluhan ay nasa isip lamang ng mga tao..Kahit saan may gulo mapa-Kuwait man o saang dako ng mundo.. para din itong problema sa Mindanao na kung saan halos karamihan ng tao sa Manila at Luzon ay iniisip na magulo sa Mindanao, ngunit ang katotohanan kung tutuusin mas magulo pa sa Manila.

  6. Avatar
    tatess says:

    Middle East (kuwait,ksa,qatar etc) akala lang nila magulo at delikado pero napaka peacefull at tahimik. Congrats sa iyo. Dami mong napapasayang OFW thru your works.

  7. Avatar
    Dems says:

    Lahat ng bansa ay may pinag dadaanan. Walang utopia. Pero nasa pananaw pa din ng tao yan. Na kahit magulo man sa isang aspeto ng pamayanan, hindi ibig sabihin magulo na lahat at hindi na tayo makakapamuhay ng matiwasay.

    Saludo po ako sa lahat ng inyong mga adhikain. Nawa’y patuloy pa po kayo gawing instrumento ng ating Panginoong Maykapal para mahikayat ang ibang tao na tumulong sa ating mga kapwa. God bless!

  8. Avatar
    papaleng says:

    Saludo ako sa iyong adhikain na magbigay tulong sa mga kapatid nating Pinoy na dumarran sa mga pighati dulot ng isang kalamidad. I pagpatuloy mo ang iyong naumpisahan. congrats.

  9. Avatar
    archie says:

    It’s good to know that in every Middle East country, there is one Filipino Bloggers association. I hope once we can get connected with each other.

Comments are closed.

error: Content is protected !!